Tuesday, August 18, 2015

Stress days

Hello diary haha kakausapin muna kita since nag hahanap pa akong idea sa aking utak about doon sa gagawin kong cover sa amuse bouche namin. 

Oo nga pala kahapon sa isang subject nmin na beer tasting naku diary bangag lang ang labanan ahahaha biruin mo 19 kinds of beer hindi ka magpgrogy? Ahaha ayun pag tapos uminom may subject pa at konti nalang talaga tutulugan kona yung subject na yun. After nun nung uwian na pag kauwi ko kain lang tapos natulog ahaha kahit na maaga pa tapos nagising ako mga 10 kasi ginising ako ng pogi kong tatay hahaha
Ayun biglang sumakit yung ulo ko hanggang kaninang nasa school ako masakit na masakit. Wala pamong gamot kahit biogesic lang. So ayun nung pauwi namn na ako bigla akong tinawag ng isang prof namin.
Since wala na daw syang mahanap na writer na lalake ako nalang daw. Ehhh sa wala naman na akong ginagawa pag uwi sa bahay pumayag na ako so ayun may mga i cocover up akong events sa school. Medyo madali lang naman pero yung tipong mauubusan ka namn ng english so ngayon tinry ko nang gawin yung sa "Opinion" section. Tapos baka bukas ko nalang interviewhin yung mga president ng mga orgs tyaka mga events nila. 
Naku diary competition paman din ito hahaha it is my first time to be a student journalist kahit sa department lang namin at least may ma icocontribute namn ako kahit maliit na bagay lang :) 

So tomorrow may seminar kami sa isa sa kilalang school dito sa lugar namin. Naku mabubusog ang aking mata neto sa daming alam nyo na hahaha. So paano diary mag susulat pa ako doon sa topic ko para wala na akong problemahin hahaha bye bye diary goodnight :*

~sky

Friday, August 14, 2015

3 days

Hi online diary! After ilang daysss bago ulit kita makausap. Ohhh ano kamusta kana? Ako kamusta na? Ayun ok namn yung mga nagdaang araw ko. Since nag aaral aba natural lang yung nakakapagod  hahaha. 

Kahapon nga nag quiz kami kaso walang review review ang nangyare ayun nga nga ang papel walang answer XD wala namn kasing pinrovide na photocopy si sir kaya d kami nakapag review. 

Ngayong araw namn ayun kaninang umaga papawis naglaro ng volleyball <3 i do love volleyball kahit hindi ako makatalon hahahaha. Then after non ginawa namin yung power point presentation namin para sa mga reports nami about laws. 
At the same time naghihintay ako ng mga magbabayad sa isang subject namin may beer tasting kasi kami sa monday. Ahahaha umagang umaga mag shoshot ng mga beers. Sabi ng ng prof namin dapat walang malalasing kapag may nalasing bagsak na agad sakanya. Kaya dapat ingay ingat din. 

Ayun kahapon nakita ko si crush kinausap nya ako kaso saglit lang ahahaha sayang no? XD tas kinagabihan mga kalokohan ng mga kaklasi ko ang ginawa namin. Ehhh may nakita kaming butiki tas tinatakot yung mga kaklase namin XD

Haaay diary heto ako ngayon nakahiga naghihintay ng oras nakatulog nanaman ako ehhh XD tapos bukas gagawa ulit ng report sa bahay ng kaklase namin. 

Pero d ko nakita si crush ngayon huhuhu pero nag chat naman sya kanina kaso pareho kaming anime lover so nanood muna sya XD manonood muna din ako diary bukas na ulit kita kausapin ha? Ahaaha 

Goodnight online diary :*

~sky

Monday, August 10, 2015

Its Monday!

Hi online diary haha kamusta? Kakausapin nanaman kita ano? Gabi nanaman ehhh. Sa totoo lang kakagising kolang kasi nag rereview ako kanina for tomorrow quiz, tapos ayun nakatulog ako mukhang napagod mga mata ko. Dapat ehhh 1 oras kolang balak matulog kasi panigurado mahihirapan akong matulog kasi sobrang haba ang natulog ko. Pero ok lang kasi 11am pa namn ang klase namin bukas. 

Haaaayyy heto yung araw ko medyo ok naman hahaha mga quiz ko kanina ayun ok namn kahit medyo ngumanga. Tapos nung lunch namn ayun kumain ako ng kari kare my all time favorite doon sa carinderia na palagi namin pinagkakainan
After nun panigurado pag labas mo sa carinderia na iyon amoy na amoy ang ulam ka. After namin kumain dumeretcho na kami sa room para mag pa aircon hahaha gawain namin palagi yan. Then nung 20 mins nalang bago mag 1pm ehhh nakatulog ako haha first time kong makatulog sa classroom tapos ginising lang ako nung saktong pag pasok ng prof namin. At nag cut kami sa last subject namin kasi sobrang boring at walang ginagawa hahaha.

Tapos nung gabi na haist na stress ako kasi na virus yung USB ko ehhh nandun yung lecture para sa quiz bukas. At buti nalang nakapag pa photocopy ako kya pinitchuran ko isa isang slide para may reviewer ang mga magaganda at gwapo kong mga kaklase. Ehhh natakot na kasi akong mangulit kay sir baka sakalin nya nalang ako bukas hahaha. So ayun ganun ang nangyari sa buong araw ko diary. Tapos mamaya nyan magbabasa ako ng story para makatulog. Pero sana mag chat si crush <3.

Dear crush landiin moko please? Ahahaha joke alam ko namn d ako magugustuhan nun. 

Ohhh paano online diary oras na din ahaha mag pahinga kana. Oras na ginugulo pa din kita. Kita kits nalang tayo buka ulet babye!

~sky

Sunday, August 9, 2015

Charger!

Nag babalik ako diary ahaha naiinis kasi ako alam mo yung feeling na may hinahanap ka tapos halos baliktarin mo na ung bahay nyo ehhh hindi mopa din makita? ganyan ang feelings ko ngayon. Badtrip kasi yung charger ng Digicam ko hindi ko alam kung nasaan. Hahaha hahanap pa tuloy ako bukas ng bago.

Pasensya na online diary ahaha palagi kitang napagbubuhusan ng emosyon ko. Pero ok lang yan at least na rerelease ko sa pamamagitan ng pakikipag usap sayo.

So ayun nga naiinis ako kasi nawawala yung charger ko ehh bigay paman din un sakun ni tita. 
Sa sobrang pag hahanap sobrang pawis kona hahaha lumabas lahat ng fats ko sa katawan. Sobrang basa kasi ng damit ko. Asan na kaya yun, tapos nyan kapag hindi mo hinahanap tyaka namn makikita. At ang mahirap kapag nakabili na ako tyaka ko namn makikita yun ang sobrang badtrip kung sakali. 

At oo nga pala yung kani kanina lang sinend ni sir yung irereview kaya ewan ko nalang nyan kung nakapag review yung mga kaklase ko. Kasi ako habang kausap kita nag rereview ako hahaha ohhh db multi tasking. 

haysssss anong oras na hindi pa din ako makatulog hahaha sabagay nocturnal person nga pala ako XD yung tipong araw araw nag pupuyat kahit 8am ang klase kinabukasan. 

Wag ka sanang mag sawa sa pakikinig sakin online diary :)) lab lab kita. 
ohhh sya na mag rereview muna ako ha? kita nalang ulit tayo bukas :* babye!

~sky

Saturday, August 8, 2015

Kabado

Ayan umalis si mama ngayong araw so ako ang nag luto ngayon ng lunch fried chicken hmmm yum yum. Kapag ganyan na umaalis si mama si ate ang nag luluto since my ate is not here so ako ang nagluto at nag hugas ng mga pinagkainnan ni papa tyaka ng pinsan ko.

oo nga pala diary kaya ako kinakabahan ngayon kasi baka gerahin ako ng mga classmates ko kasi sabi ng adviser namin ehhh may quiz bukas sa subject namin sakanya. heto ako ngayon humihingi akong copy of lecture sa adviser namin. Actually kahapon pa ako humihingi kaso nakakalimutan nya. Ayaw ko naman mangulit baka kasi magalit nanaman sya samin bukas. Nakakatakot paman din syang magalit.

Kaya kinakabahan ako, ehhh heto paman mga kaklase ko isang pagkakamali molang halos patayin ka nila hahahaha joke. Pero seryoso huhuhu kinakabahan ako para bukas. Hirap paman din mag bigay ng quiz si sir.

Anyways sana maibigay nya ng maaga para ma distribute kona sa fb -_-. hahaha natatakot kasi akong mag remind ng mag remind baka mag beast mode sya hahaha

ohhh sya na online diary iinstall ko muna yung garena hahaha bye bye sa susunod na pag online ulit.

~sky
PS: laro laro nalang iwas kaba hahahaha

AlDub is <3

Ayan blog muna. Kakatapos lang mag laba haist kapagod.
Oo nga pala napanood nyoba ang kasal ni yaya dub? Ayun nakakabitiiiiin kasi hindi sila nagkita ni alden kasi hinimitay si yaya tapos dinala kung saan saan then yun namn ang dating ni Alden at sinira nya ang venue ng kasal kaso binugbog sya nung mga body guard tyaka sinakay sa van. Pero sabagay kung ipagkikita na silang dalawa tapos na ang storya. 

Yan dapat ganyan ang mga pinapakita yung papatok sa mga tao. Yung kikiligin lahat. Hindi boring sa madaling salita. 

Bakit kaya ang ganda ni yaya? Tapos gwapo ni alden haha bagay na bagay.
Si lola nmn kasi sobra ang pagiging kontra bida sa AlDub. Tapos hetong si frankie isa na din sa mga sagabal sa AlDub. Pero wala pa ding makakapigil sa pag iibigan ng AlDub <3 

Kelan kaya magkikita yung dalawa? Ahaha aabangan ko yan. 
Sana magkita na sila no online diary? Ayokong makatuluyan ni yaya si frankie nako sayang lahi ni yaya ahaha jk basta AlDubforevs
Ohhh syana maliligo na akooooo bye~ 
~sky

Friday, August 7, 2015

1:11am

Hayy hindi ko makatulog kay blog muna.
Epekto ng pagkain ng fries tyaka pag isnom ng c2 tapos kumain pa ako ng avocado hahaha. Any ways ka txt ko si crush hihihi heto kung ano ano nalang pinag uusapan namin kahit ako sobrang antok na ako pero im still keep my eyes open para ma replyan lang sya kapag nag txt hahaha. Haaaay hahaha ang sarap ng feeling kasi sya una nag txt sakin kanina. Ngayun ayun libot sya sakanila since wala namn pasok bukas. Nasa labas daw sya ngayon sakanila ayun nakikipag tahulan sya mga aso. Ahahaha hay nako anyways sa oras na ito ay dinalaw na ako ni antok.....

So gtg kailangan kupang mako hahaha a
Goodnight again

Pissed

hayyy makapag blog nga muna....

bakit pissed ang title? hay nako pumunta ako sa rapairing shop ng mga laptops and cellphones kasi balak ko nang pa format laptop ko kasi hindi na gumagana ang mga browsers ko so i decided to format it so ayun una pumunta ako sa mall and ask if how much the format at nagukat ako hahaha kasi its too expensive 1,500.00 ohhh db format lang.

so i decided to go the other repair shop na wala sa mall. at ayun meron 500 pesos so nag go ako then sabi ni kuya na balikan ko nalang daw. ayun binalikan namn namin with my friend. una palang ayoko talagang iwan, d kasi talaga ako madaling magtiwala lalo na kapag personal things ko ang pinag uusapan.

then after 3 hours bumalik na kami then sabi ni kuya sa bahay ko nalang daw i continue yung ibang app. like chrome so nag sige ako. Then suddenly nung naka uwi na ako i checked my laptop tapos pumunta ako sa "computer" at Boom! wala na ung isang memory ko ahahaha i had 500 gb memory then after the format ayun 280gb nalang XD. kailangan kopa tuloy bumili ng External memory para sa mga movies ko tsk. Ayoko lang ma badtrip ahaha kaya tinatawanan ko nalang.

Marami na talagang taong hindi mapag kakatiwalaaan ehhh at least lesson to sakin at hinding hindi na mauulit. hahahaha

Goodnight~

ps: walang scandal un maumay sila sa mg sandamakmak kong documents XD

~Sky